Tiniyak ng alyansang Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) at Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na magkakaroon ito ng kumpletong pambato sa pagkasendor sa 2025 midterm elections gayundin sa local level.
Inihayag ito ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na tumatayong presidente ng Lakas-CMD na syang pinakamalaking political party sa Kamara.
Binanggit ni Romualdez na sa pagpili ng ibibilang sa kanilang line-up ng mga kandidato ay maraming ikokonsidera ang dalawang partido at kasama dito ang pagsuporta sa economic Charter Change.
Facebook Comments