Alyas ‘Bikoy’, dapat sumuko na lang – PNP

Hinimok ng Philippine National Police (PNP) si Peter Joemel Advincula, ang self-confessed “Bikoy” ng “Ang Totoong Narcolist” videos na sumuko at harapin ang criminal cases laban sa kanya.

Ayon kay pNP Chief, Police General Oscar Albayalde – dapat lamang na lumabas na si Advincula mula sa pagkakatago nito at patunayan na ang mga kaso laban sa kanya ay walang basehan.

Handang bigyan ng assistance ng PNP si Advincula sakaling sumuko siya.


Ikinukunsiderang fugitive si Advincula dahil sa ilang arrest warrants na inisyu laban sa kanya ng mga korte kabilang na ang may kinalaman sa estafa at illegal recruitment.

Matatandaang lumutang si Advincula sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) at umaming siya ang nasa likod ng mga video na inaakusahan ang pamilya at mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilegal na droga.

Facebook Comments