Alyas Bikoy, nag-apply sa Witness Protection program ng DOJ

Pormal ng naghain ng kaniyang aplikasyon para mailagay sa witness protection program ng Department of Justice si Peter Joemel Advincula, alyas ‘Bikoy.’

Sa pamamagitan ng kanyang abogado  na si Atty. Larry Gadon, inihain nito ang 7 pahinang letter of intent ni Advincula para sa kanyang aplikasyon sa WPP.

Sinabi ni Gadon na sa harap na rin ito ng maraming banta ng sa  buhay  ni Advincula matapos ang expose’ nito hinggil sa mga personalidad na nasa likod ng paggawa ng “ang totoong narcolist video.”


Alam anya ng mga nagbabanta ang kanyang cellphone number at email address.

Nilinaw naman ni Gadon mananatili pa ring respondent si Bikoy sa kasong sedition na isinampa ng PNP-CIDG

Gayunman, tiwala siyang kwalipikado  maging state witness si Advincula dahil sa pagiging less guilty nito sa mga kasong isinampa ng PNP CIDG.

Facebook Comments