Manila, Philippines – Nagsumite na sa Department of Justice o DOJ ng kanyang kontra salaysay si Peter Joemel Advincula alyas Bikoy reklamong perjury at offering false testimony na inihain ng ilang taga-oposisyon
Sa kanyang counter-affidavit, sinabi ni Advincula na harassment ang reklamong isinampa sa kanya nina dating Atty. Theodore Te, dating Cong. Erin Tanada at Atty. Chel Diokno.
Sina Te, Tanada, Diokno at iba pang taga oposisyon ay kabilang sa mga inireklamo ng sedition ng PNP-CIDG kaugnay ng tinaguriang project Sodoma.
Bunga nito, naghain ng kontra-demanda laban kay Advincula ang naturang mga personalidad mula sa oposisyon.
Naniniwala si Advincula na kinasuhan siya ng grupo ni Atty. Diokno para pigilan siyang magbigay ng testimonya sa pagkakasangkot ng mga ito sa project Sodoma na naglalayong pabagsakin ang Duterte administration.
Itinakda ng DOJ ang susunod na hearing sa reklamo ng tatlo laban kay Advincula sa October 15, kung saan inaasahan ang reply affidavit ng mga complainant sa counter-affidavit ni Advincula.