Alyas “Bikoy”, nakapagpiyansa na sa kasong perjury

19

Nakapaglagak na ng piyansa si Peter Joemel Advincula alyas “Bikoy” sa kasong perjury.

Inilagak ni Joseph Advincula ang piyansa na P18,000 para sa pansamantalang kalayaan ng kanyang kapatid na si Bikoy.


Inilagak ang piyansa sa sala ni Vice Executive Judge Jason Restunog sa Municipal Trial Court ng Legaspi City, Albay.

Ang perjury case ni Advincula ay may kaugnayan sa naging expose’ nito na nagsasangkot sa ilang miyembro ng Free Legal Assistance Group (FLAG) na sina Atty. Chel Diokno, Lorenzo Tañada III at Theodore Te sa tinaguriang “Project Sodoma “na may layon daw na pabagsakin ang Duterte administration.

Una nang naglabas ng warrant of arrest laban kay Bikoy ang Manila Metropolitan Trial Court Branch 17 matapos makitaan ng probable cause ang reklamo laban dito.

Facebook Comments