Alyas Bikoy, pormal nang naghain ng aplikasyon sa Witness Protection Program ng DOJ

Pormal nang naghain ng kaniyang aplikasyon para mailagay sa Witness Protection Program ng DOJ si Peter Advincula alyas Bikoy.

Sa pamamagitan ng kanyang abogado na si atty. Larry Gadon, inihain nito ang 7 pahinang letter of intent ni Advincula para sa kanyang aplikasyon sa WPP.

Sinabi ni Gadon na sa harap na rin ito ng maraming banta sa  buhay ni Advincula matapos ang expose nito hinggil sa mga personalidad na nasa likod ng paggawa ng “Ang totoong narcolist video.”


Alam aniya ng mga nagbabanta ang kanyang cellphone number at email address.

Nilinaw naman ni Gadon na mananatili pa ring respondent si Bikoy sa kasong sedition na isinampa ng PNP-CIDG .

Gayunman, tiwala siyang kwalipikado maging state witness si Advincula dahil sa pagiging less guilty nito sa mga kasong isinampa ng PNP-CIDG.

Facebook Comments