Kusang loob na sumuko sa PNP-CIDG si Peter Joemel Advincula, alyas ‘Bikoy’ ang nagpakilalang alyas Bikoy dahil sa kasong cyberlibel.
Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac – alas-7:00 kagabi nang sumuko sa CIDG NCR sa Camp Crame si Advincula.
Agad isinailalim sa booking procedures si Advincula na ngayon ay nakakulong na.
Lumabas ang arrest warrant laban kay Bikoy noong July 11 mula sa Legazpi RTC Branch 5.
Nasa 10,000 pesos ang itinakdang piyansa ng korte.
Ang kaso ay isinampa sa kanya ng isang Zaldy Co ang nagmamay-ari ng Misibis Bay Resort.
Una na kasing sinabi noon ni alyas Bikoy sa ‘Ang Totoong Narco-list’ video na ang opisina at drug laboratory ay sa Misibis Bay Resort.
Facebook Comments