Alyas "MANGGA" – Efren Manansala Arestado sa Shabu sa Legazpi City

Isa pang tulak ng ipinagbabawal na droga ang nasakote ng mga operatiba ng PDEA Albay sa pakikipagtulungan ng Legazpi City Police Station.

Arestado ang suspect na kinilalang si EFREN MANANSALA Y ESPARTENEZ alyas MANGGA sa isang buybust operation na magkatuwang na isinagawa ng mga operatives ng PDEA Albay sa pangunguna ni PDEA Provincial Officer Agent Enrique G. Lucero sa ilalim ng supervision ni Dir II Christian O Frivaldo, ARD, PDEA ROV at mga kawani ng Legazpi City Police Station.

Naganap ang pag-aresto, kamakalawa, December 9, 2017, ganap na  6:30 ng gabi sa vicinity ng Purok 1, Brgy. San Roque, Legazpi City. Nakuha mula kay Manansala ang pinaghihinalaang shabu na may timbang na 80 grams at tinatayang may street value na 500,000 pesos.


Nasa kustodiya na ngayon ng PDEA ROV Detention Facility ang suspect habang inihahanda ang kaukulang kaso na ihaharap laban sa kanya.


Facebook Comments