Alyas ‘Totoy’ nasa proteksiyon na ng PNP —DOJ

Nasa proteksiyon na ng Philippine National Police (PNP) si Julie Patidongan o mas kilala bilang Alyas ‘Totoy’.

Ito ang sinabi ng Department of Justice (DOJ) matapos lumutang at ituro ang gaming tycoon at negosyanteng si Atong Ang bilang nasa likod ng pagkawala ng mga sabungero.

Sa ambush interview sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nasa ilalim na ng proteksiyon ng PNP ang akusado.

Pagdating naman sa mga pulis na idinadawit din sa pagkawala ng mga sabungero, sinabi ni Remulla na nasa ilalim na sila ng restricted duty.

Sa ngayon, patuloy ang ginagawang case build-up sa kaso.

Kahapon nang sabihin ng kalihim na isasama na sa mga itinuturing na suspek sina Ang at ang kilalang personalidad na si Gretchen Barretto.

Facebook Comments