
Namatay on the spot ang isang amang vendor pati na rin ang 6 na taong gulang nitong anak na itinakbo pa sa ospital nang tambangan kasama pa ng dalawang anak nito sa Brgy. Butucan, Nasugbu Batangas, kagabi.
Ayon sa inisyal na ulat ng Nasugbu Batangas Municipal Police Station, lulan ng isang tricycle ang ama at 3 nitong anak nang ratratin sila ng hindi nakikilalang mga salarin.
Ang isa sa dalawang nakaligtas na anak ay nagtamo ng sugat na may edad na 17 taong gulang at ang isa na may edad na 7 taong ay nakatakbo nang mangyari ang nasabing insidente.
Ayon pa sa awtoridad, ginamit sa pananambang ang isang kalibre 45 baril at armalite rifle.
Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng Nasugbu PNP sa nasabing insidente.
Facebook Comments









