Ama, binaril ng sariling anak!

*Cauayan City, Isabela- *Sugatan ang isang ama matapos barilin ng sariling anak bandang alas nuebe y medya kagabi sa Brgy. Rizal, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Melecio Andres, 48 anyos habang ang anak na suspek ay si Jayson Andres, 28 anyos, kapwa residente ng Purok 3 Brgy. Rizal, Cauayan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), dumating sa nasabing lugar ang suspek na positibo sa alak at hinahamon ng away ang natutulog na anak.


Nagising umano ang suspek at kinuha ang kanyang improvised na baril at ipinutok sa kaliwang braso ng ama.

Humingi naman ng tulong sa mga Brgy. Officials ang biktima na agad namang ipinaabot sa PNP Cauayan City na nagresulta sa pagkaka-aresto ng suspek.

Dinala na sa himpilan ng PNP Cauayan City ang suspek maging ang nakumpiskang improvised na baril para sa kaukulang dokumentasyon at inihahanda na ng PNP ang kasong Frustrated Parricide at Paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na isasampa laban kay Jayson Andres.

Facebook Comments