
Isang pitong taong gulang na batang babae ang nagreklamo na ginahasa umano ng sariling ama sa Himamaylan, Negros Occidental.
Ayon sa ina ng bata, habang nagtatrabaho siya bilang domestic helper sa Dubai, may napansin siyang kakaiba tuwing nagvi-video call sa anak, na palaging nasa tabi ng kanyang asawa at tulala.
Dahil sa kanyang duda, pasekreto itong umuwi sa kanyang mga magulang at pinasundo ang kanyang anak. Doon na umamin ang bata na pinagsasamantalahan siya ng kanyang ama.
Kaagad namang humingi ang mag-ina ng tulong sa opisina ni 5th District Congressman Dino Yulo para maasikaso ang medical examination sa bata kung saan lumabas na positibo ito sa pananamantala.
Sa ngayon, inaasikaso na ang reklamo laban sa ama.
Facebook Comments








