Ama na Gumahasa at Nakabuntis ng Sariling Anak, Timbog sa Gattaran Cagayan!

Delfin, Albano – Inaresto ng mga tauhan ng Delfin Albano Police Station at PNP Gattaran ang isang ama na gumahasa at nakabuntis ng sariling anak, sa bisa ng warrant of arrest sa kinaroroonan nito sa Brgy. Baraccaoit, Gattaran, Cagayan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Ericson Aniag, hepe ng PNP Delfin Albano, sinabi niya na ang tinaguriang top 1 most wanted person Municiapl Level ng Delfin Albano ay si Emerson Nieves Bueno, apatnapu’t apat na taong gulang, tubong Gattaran Cagayan at transient sa Delfin Albano.

Aniya naganap noong taong 2015 ang panghahalay ni Bueno sa labindalawang taong gulang na anak nito habang ang asawa ay nagtratrabaho sa ibang bansa.


Umamin na lamang umano ang biktima na hinalay siya ng kanyang ama nang nabuntis na ito kung saan ay kapatid ng asawa ni Bueno ang mismong nagreklamo at nagsampa ng kaso laban sa akusado.

Nahaharap sa kasong Rape, attempted rape at statutory rape si Bueno na inihain ni hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC Branch 22 Cabagan, Isabela.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng PNP Delfin Albano si Emerson Bueno para sa dokumentasyon at tamang disposisyon bago ang nakatakdang pagharap nito sa korte.

Facebook Comments