Ama na Pumatay sa Sariling Anak, Nagbigti Matapos ‘Di Patulugin ng Konsensya

Cauayan City, Isabela- Wala nang buhay nang matagpuan sa banyo ang nakabitin na katawan ng isang 67 taong gulang na lalaki partikular sa pasilidad ng Baggao Police Station sa San Jose, Baggao, Cagayan.

Nakilala ang biktima na si Amando Gawat, byudo at residente ng Sitio, Tueg, Barangay, Bitag Grande, Baggao, Cagayan.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, nadiskubre ni Jonathan Bilgera, isa sa mga nakakulong ang nakabigting katawan ng biktima gamit ang nylon rope na itinali sa bintana ng kanilang banyo na kinuha umano nito sa likod ng kanilang kulungan.


Naisugod pa sa ospital ang biktima subalit idineklara itong dead on arrival (DOA) ng attending physician.

Una rito, nakulong ang biktima dahil sa kaso nitong Parricide na naitala noong May 11, 2020 matapos nitong mapatay ang sariling anak at nagpakustodiya sa pulisya para sa isasagawang imbestigasyon.

Ibinunyag umano ng biktima sa kanyang mga kasama sa kulungan na nakararanas ito ng insomia at depresyon dahil sa hindi pagbisita ng kanyang pamilya at nakokonsensya rin dahil sa ginawang pagpaslang sa kanyang sariling anak.

Facebook Comments