Ama, nag-viral sa social media dahil sa pagpapa-inom ng alak sa kanyang batang anak; DSWD, iimbestigahan ang insidente

Cebu – Matapos nagviral sa social media ang larawan, iimbistigahan ng mga social welfare offices sa Cebu ang isang ama na nagpapainom ng kaniyang maliit na anak gamit ang bote ng alak.

Ang 20 anyos na ama na itinago muna ang pangalan ay nakilala na isang residente sa Barangay Ermita sa lungsod ng Cebu.

Ang larawan nito na nagpapainom sa kaniyang anak mula sa bote ng alak ay inuplod ng kaniyang kaibigan sa Facebook kung saan umani ng ibat-ibang reaksiyon mula sa mga netizens na karamihan ay bumabatikos sa nasabing ama.


Bagama`t handang humingi ng paumanhin ang amak sa kaniyang ginawa makikipag-ugnayan naman ang Department of Social Welfare Office sa Cebu City sa DSWD-7 para magsagawa ng imbistigasyon laban sa nasabing ama.

Facebook Comments