AMA, NAGBIGTI DAHIL SA DEPRESYON

Cauayan City, Isabela- Maaga nang naulila sa ama ang dalawang maliliit na bata matapos magbigti ang kanilang padre de pamilya sa Brgy. Maligaya, Cauayan City, Isabela.

Nakilala ang biktima na si Mario Martinez, 30 taong gulang, magsasaka at residente ng Purok 1, Brgy. Maligaya, Cauayan City.

Batay sa pagsisiyasat ng imbestigador ng Cauayan City Police Station, nadiskubre lamang ng kapatid ng biktima na si Zaldy Martinez ang nakabigting katawan ng biktima sa loob ng bahay nito gamit ang isang lubid.


Agad na ipinaalam sa pulisya ni Zaldy ang naabutan nitong insidente.

Lumabas din sa imbestigasyon ng pulisya, bago nagbigti ang biktima, labis umano itong nalungkot dahil sa pagpanaw ng kanyang tatay nitong August 20, 2021 na sinundan ng pag-alis ng kanyang asawa na patungo sana sa ibang bansa.

Naniniwala naman ang kaanak ng biktima na sinadya nitong wakasan ang kanyang buhay.

Facebook Comments