Ama ng 17-anyos na binatilyong namatay sa operasyon ng PNP, nandigang wala sa drug watchlist ang anak

Manila, Philippines – Iginiit ng pamilya ng 17 anyos na si Kian Lloyd Delos Santos na hindi ito kasama sa drug waltchlist ng Philippine National Police.

Ayon sa ama ni Kian na si Saldy Delos Santos, imposibleng ang sinasabi ng mga pulis ng may dala itong 45 na kalibre ng baril gayon na nakasuot lamang ito ng boxer shorts.

Dagdag pa ng ama ng biktima na ipaglalaban nila ng kaniyang asawa ang hustisya para kay Kian dahil kita naman sa CCTV na galing sa barangay na bitbit-bitbit na dalawang sibilyang pulis ang kanilang anak at tila hindi naman nanlaban.


Aminado rin si Saldy na maraming isinasagawang drug operation sa kanilang lugar ang PNP ngunit malayo ito sa mismong kanilang tinitirahan.

Samantala, inaasahan sa burol ni Kian si PNP Chief Ronald Dela Rosa ngunit hindi pa kumpirmado kung kailan ito pupunta.

Facebook Comments