Ama ng batang bully ng Ateneo, hindi pulis – PNP

Manila, Philippines – Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na walang pangalang Joaquin Montes Sr. sa kanilang hanay.

Taliwas ito sa naunang pahayag ni dating DILG Secretary Rafael Alunan na anak umano ng isang police scalawag ang estudyanteng si Joaquin Montes Jr.

Si Montes Jr. ang junior high school student ng Ateneo de Manila University o ADMU na nag-viral sa social media kamakailan dahil sa pambu-bully at pambubugbog sa kapwa niya estudyante.


Ayon kay PNP Spokesman Chief Superintendent Benigno Durana Jr., na batay sa nakuha nilang inisyal na impormasyon mula sa ADMU, kabilang sa hanay ng medical professionals ang ama ni Montes Jr.

Pero hindi na tinukoy sa impormasyon kung ito ba ay isang doktor, nurse o simpleng kawani lang ng isang ospital.

Facebook Comments