Ama ng isa pang suspek sa pagkamatay ni Castillo, nagsumite ng surrender feelers

Manila, Philippines – Nagsumite na ng surrender feelers si Antonio Trangia, isa sa tatlong suspek sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio Castillo III.

Ayon kay MPD Chief Senior Supt. Joel Coronel, hinihintay nila ang paglutang ni Antonio kung saan nangako itong isusuko rin ang kaniyang sasakyang ginamit sa pagdala kay Castillo sa Chinese General Hospital.

Umaasa naman aniya siyang lalantad si Antonio bago ang Senate hearing.


Maliban kay Antonio, primary suspect din ang anak niyang si Ralph na kasakuluyang nasa Chicago.

Giit ni Coronel, posibleng madawit sa kaso ang ina nito dahil sa pagtulong na makaalis ng bansa ang anak.

Facebook Comments