Ama ng Maute Brothers na si Cayamora Maute, pumanaw na

[image: Inline image 1]
Pumanaw na si Cayamora Maute ang ama ng Maute Brothers na nanguna sa pag-atake sa Marawi City.

Sa interview ng rmn kay BJMP Spokesman Senior Inspector Xavier Solda, mula sa special intensive care unit sa Camp Bagong Diwa ay itinakbo ito sa Taguig-Pateros District Hospital dakong alas-tres kahapon ng hapon kung saan doon na siya binawian ng buhay.

Aniya, mayroong sakit na diabetes, hypertension at hepatitis ang 67-anyos na matandang maute.


Magugunitang naaresto ito noong Hunyo 6 sa isang checkpoint sa Davao City habang ang asawa nito ay naaresto ilang araw.

Facebook Comments