Ama ng Napaslang na Hepe ng PNP Mallig, Tinuligsa ang Human Rights!

Cauayan City, Isabela – Tinuligsa ni Ginoong Josue Tubaña ang Commision on Human Rights sa hindi umano patas na pagtrato ng mga ito sa mga pulis na namamatay kaugnay sa laban kontra droga.

Ito ang naging pahayag ni ginoong Josue Tubaña sa harapan ng mga mamamahayag sa Police Provincial Office kung saan nakalagak ang bangkay ng kanyang anak na napaslang na si Police Chief Inspector Michael Angelo Tubaña.

Sinabi pa ni ginoong Tubaña na hindi umano makatarungan ang ginagawa ng CHR dahil kung mga suspek ang mga sangkot sa krimen at namatay ay napakaingay samantalang kung pulis ang napaslang ay tahimik lamang ang mga ito.


Hindi umano makita ang anino at boses ng human rights kapag ang nabiktima ng pagpaslang ay mula sa hanay ng kapulisan.

Samantala ang labi ng nasawing hepe ng PNP Mallig ay nakatakdang ilibing sa darating na June 26,2018.

Facebook Comments