ANGELES CITY, PAMPANGA – Pumanaw na nitong Huwebes si Philander Rodman Jr., ang ama ng NBA legend na si Dennis Rodman, matapos ang tatlong taong pakikibaka sa prostate cancer. Siya ay 79 taong gulang.
Kinumpirma ito ng kaniyang apo si Jasmine sa isang Facebook post.
Sa pamamagitan naman ng Twitter, ipinaalam ng babaeng anak ni Philander na si Darling Marie kay Dennis ang balita tungkol sa pagkamatay ng kanilang padre de pamilya.
Humingi na rin sila ng tulong sa NBA superstar para sa naiwang bayarin sa pagamutan.
Taong 1970 nang magsimulang manirahan si Philander, na isang retiradong US Airforce at Vietnam war veteran. Matatandaang hindi naging maganda ang relasyon ng mag-ama matapos daw abandonahin ni Philander ang kaniyang mag-ina.
Pero noong 2012 ay kinilala at nagkita na sila ng Chicago Bulls star player na noo’y nasa Pilipinas para sa isang exhibition game.
Naglunsad naman ang mga kaanak ni Philander ng GoFundMe account noong nakaraang taon upang makauwi ito sa Estados Unidos.
Nakaburol ngayon ang labi niya sa Angelino’s Funeral Chapels sa lungsod ng Angeles.