Manila, Philippines – Dismayado si Reynaldo Cama, ama ng rape victim na si Mabel, sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at Commission on Human Rights (CHR).
Ayon kay Reynaldo simula noong nakaburol ang kanyang anak ni isa sa mga representative ng CHR at CBCP ay walang dumalaw sa burol na lubha nitong ikinadismaya dahil kilala ang CHR na tagapagtanggol sa karapatan ng mga indibidwal na naaapi o naagrabyado.
Una rito, maingay ang CHR at CBCP sa mga nangyayaring patayan sa bansa na may kinalaman sa iligal na droga pero sa pagkakataon ito sangkot sa iligal na droga ang suspek na si Oavenada ngunit tahimik lamang ang CHR at CBCP sa naturang usapin.
Giit ni mang Reynaldo, kung talagang karatan ng mga walang kalaban-laban na indibidwal ang ipinaglalaban ng CHR at CBCP, ito umano ang pagkakataon na mag-ingay sila at kundenahin ang walang kalaban-laban na bank employee na pinatay, sinunog at ginahasa pa ng isang drug adik na truck driver.