Ama nina Angelika, Mika Dela Cruz pumanaw na

2770
Instagram/@angelikadelacruz

Namaalam na ang ama ng mga aktres na sina Angelika at Mika Dela Cruz.

Ibinalita ni Angelika ang pagpanaw ng amang si Ernie nitong Linggo sa Instagram.


“Daddy you are my best friend ang kakampi ko sa lahat. I’m heartbroken dahil iniwan mo ko agad.. I love you so much Dad,” saad ng aktres.

“Mabuti kang tao na maraming tinulungan.. pahinga ka na. Rest in Peace Dad,” dagdag nito.

Hindi naman na binanggit ni Angelika ang dahilan ng pagkamatay ng ama.




Habang si Mika naman ay ipinalita sa headshot ng kanyang Instagram ang litrato nilang mag-ama bilang pag-alala.

Noong Hunyo 21 nang manawagan ng dasal ang magkapatid para sa kondisyon ng kanilang ama na anila’y biglaan.

“Words aren’t enough to express how sad, scared and broken I am right now. Sobrang sakit makita ‘yung kalagayan mo ngayon,” saad noon ni Mika. (BASAHIN: Mika Dela Cruz humiling ng dasal para sa may sakit na ama)

Facebook Comments