Ama tinaga ang dalawang anak sa Sison, Surigao Del Norte

Ama tinaga ang dalawang anak sa Sison, Surigao Del Norte Nahuli at sinampahan ng kasong Frustrated Parricide at paglabag sa Republic Act 7610 Child Abuse ang isang ama matapos tinaga ang dalawang menor de edad na mga anak sa bayan ng Sison, Surigao Del Norte. Kinilala ang suspek na si Danilo Eriso, 46 taong gulang, magsasaka at naninirahan sa Brgy. Mabuhay, Sison. Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP, pinagalitan ng suspek ang 12 taong gulang at 10 taong gulang na mga anak dahil diumano’y gabi nang umuwi mula sa paaralan, humantong sa pananaga sa mukha at kamay ng mga bata. Ang mga kapitbahay na ang nagdala sa mga biktima sa Caraga Regional Hospital samantalang ang suspek ang hinuli kaagad ng mga otoridad.

Facebook Comments