Ama, tumatakbo mula Pasay hanggang Malabon maiwasan lang ang traffic

Image via Jayson King Tan on Facebook

Hinangaan ng mga netizen ang isang ama kung saan tinatakbo mula Pasay hanggang Malabon upang maaga lamang makauwi sa kaniyang mga anak.

Ang ama ay kinikilalang si Jayson King Tan, may dalawang anak, tinatakbo ang 16 kilometro maiwasan lamang ang traffic.

Ayon kay Tan, nag-umpisa ito nang hilingin ng kaniyang anak na babae na umuwi siya ng bahay para magkaroon pa ito ng mas maraming oras para sa mga anak.


Dagdag niya, sa loob lamang ng isang oras niya tinatakbo ang halos 17 kilometro na daan.

“I’m really glad that I was able to reach our home, and they are still awake. I’m a man who believes to always make time for family. If there’s still time, I make sure that I play with my kids,” paliwanag ni Tan.

“Their happiness and laughter are the best rewards I received. [I’m] so glad that with their young age, they appreciated the effort I am trying to do for them,” dagdag niya.

Hinangaan naman ng mga netizen ang ginagawa ni Tan para sa kaniyang mga anak.

Madalas namang sumali si Tan sa mga decathlon, triathlon at fun run.

Facebook Comments