Amang nagdiwang ng graduation ng anak pinagbabaril patay sa bayan ng Banisilan North Cotabato

Nahaluhan ng lungkot at pagdadalamhati ang sanay masayang graduation celebration matapos mabaril at mapatay ang isang ama ng di pa nakilalang suspek, habang natutulog sa kanilang balkonahe sa Purok Pag-ibig, Barangay Poblacion 1, sa bayan ng Banisilan, sa lalawigan ng North Cotabato nitong Linggo ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Melchor Bagaforo Besueno, 52-anyos residente ng nasabing lugar. Masaya pang nagdiwang ang biktima sa graduation ng kanyang anak na babae. Nawalan pa umano kuryente sa kanilang lugar at sa pagbalik nito ay dito na narinig ang umaalingawngaw na putok ng baril at nakita ang biktima na naliligo na sa kanyang sariling dugo.
Agad namang isinugod ang biktima sa pinakamalapit na ospital pero di na ito umabot pa ng buhay. Sa ngayon ay blanko pa rin ang mga otoridad sa motibo ng pamamaril.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments