‘Amang’ patuloy na nagpapaulan sa Eastern Visayas

Patuloy na nagpapaulan sa Eastern Visayas ang Low Pressure Area (LPA) o dating bagyong Amang.

Huling namataan sa layong 195 kilometers east northeast ng Virac, Catanduanes.

Apektado pa rin ng LPA ang Bicol Region, Samar at Leyte, Caraga at Davao Region, Misamis Oriental, Bukidnon, at Camiguin na makakaranas ng mahina hanggang sa katamtamang ulan.


Cagayan Valley, Aurora at Quezon ay may mahihinang ulan dulot ng hanging amihan.

Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Meno Mendoza – delikadong maglayag ang mga maliliit na sasakyang pandagat sa baybayin ng hilagang Luzon, Cagayan Valley, silangang baybayin ng Central at Southern Luzon.

Ang natitirang bahagi ng bansa ay magiging maganda ang panahon.

Facebook Comments