Amang Rodriguez Memorial Medical Center,nakapagtala na ng limang biktima ng paputok

Nakapagtala na ng limang pasyente ang Amang Rodriguez Memorial Medical Center na biktima ng paputok simula December 26.

Pinakahuli ang dalawa na dinala kahapon, Dec 30 mula Antipolo City at Quezon City.

Sa record ng ospital, tatlo sa mga pasyente ay naputukan ng picollo habang ang isa ay Five Star.


Edad 6-12 ang dalawa sa naputukan ng picollo habang 13 hanggang 20 anyos ang tatlo pang mga biktima.

Dalawa sa mga biktima naman ay mula sa Antipolo City kabilang na ang isang dalagita na natalsikan ng pinaputok na 5-star at nagkasugat sa gilid ng kaliwang mata.

Ang isa naman ay dinala noong December 26 na gumamit ng improvised na paputok na tinatawag na “buhok ni lola” na nagtamo ng paso sa kanyang balikat.

Facebook Comments