‘Amang’ tutumbukin ang Southern Leyte area; Signal no. 1, nakataas sa 12 lalawigan

Patungo na ng Southern Leyte area ang tropical depression ‘Amang’.

Huling namataan ang bagyo sa bisinidad ng Dinagat Islands o 60 kilometers north-northeast ng Surigao City, Surigao del Norte.

Kumikilos ito pahilagang kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.


Mayroon itong lakas ng hanging nasa 45 kilometero kada oras at pagbugsong nasa 60 kilometro kada oras.

Nakataas ang *tropical cyclone warning signal number 1* sa sumusunod:
– Eastern Samar
– Samar
– Biliran
– Leyte
– Southern Leyte
– Eastern Bohol
– Northern Cebu
– Agusan del Norte
– Surigao del Sur
– Surigao del Norte
– Dinagat Islands
– Camiguin

Asahan ang katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Eastern Visayas, Central Visayas at Bicol Region habang bukas ay mararanasan na rin ito sa Eastern Visayas, Catanduanes, Albay, Sorsogon at Masbate.

Facebook Comments