Naghatid ng tulong ang Philippine Red Cross (PRC) sa mga pamilyang nasalanta ng Bagyong Rolly at Ulysses sa Catanduanes.
Ito ay sa pamamagitan ng humanitarian vessel, ang M/V PRC Amazing Grace na matagumpay na nakadaong sa isla bitbit ang mga tulong at suporta.
Ayon kay PRC Chairperson, Senator Richard Gordon, malaki ang tulong ng M/V PRC Amazing Grace sa paghahatid ng tulong sa mga apektadong kababayan sa Catanduanes para agad sila ay makabangon mula sa kalamidad.
Libo-libong non-food items tulad ng hygiene kits, blankets, sleeping mats, mosquito nets, 10-litro at 20-litro ng jerry cans at galvanized iron sheets na maaaring gamitin sa pagsasa-ayos ng mga nasirang bahay.
Bukod dito, dala rin ng vessel ang tatlong karagdagang sasakyan – isang Willy jeep, isang Toyota Hilux at isang mini van para maabot ng relief distributions ang mga apektadong lugar sa isla at iba pang lugar sa Bicol Region.