AMBAG | E-trikes umarangkada na sa Boracay

Aklan – Bilang ambag sa mga pagsisikap sa rehabilitasyon ng Isla ng Boracay, nag-donate ang Department of Energy (DOE) ng dalawang daang electric tricycles (e-trike).

Una rito lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang Department of Energy (DOE), Department of Transportation (DOTr) at Local Government Unit (LGU) ng Malay para sa donation na 200 energy efficient electric tricycles (e-trike).

Inihayag ni Energy Secretary Alfonso Cusi na ang electric vehicles ay isa sa mga paraan upang mabawasan ang pagdepende ng bansa sa petrolyo at maibsan ang iba pang-ekonomiyang epekto.


Sa pamamagitan ng Boracay Inter-Agency Task Force, ang DOE E-trike project ay naglalayong magbigay ng sustainable at efficient o mahusay na paraan ng transportasyon para sa publiko at bagong livelihood opportunities sa mga Biracaynon sa pamamagitan ng alternatibong transport system.

Isa sa major beneficiaries ng DOE-Trike project ay ang Boracay Ati Tribal Organization (BATO).

Sampung e-trikes ang ipagkakaloob sa BATO, para sa kanilang livelihood program.

Facebook Comments