Nasa 13-porsyento na lamang sa kabuoang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa ang naitatalang case infections sa Metro Manila.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang bilang ng kaso sa Metro Manila ay bumaba kumpara sa 30 hanggang 40 percent noong kasagsagan ng surge noong Marso.
Dagdag pa ni Vergeire na 40-percent ng total number ng kaso sa bansa ay nagmula sa Luzon, 25-percent sa Mindanao at 20-percent mula sa Visayas.
Sa huling ng report ng OCTA Research, ang bilang ng bagong kaso sa NCR plus ay nasa downward trend.
Mula May 31 hanggang June 6, nasa 0.74 ang reproduction number sa Metro Manila, habang ang one-week growth rate sa mga bagong kaso ay -11% na may positivity rate na 9-percent.
Binabantayan ang case trend ngayon sa Davao City, Cagayan de Oro, General Santos, Koronadal, Cotabato City, Bacolod City, Iloilo City, Dumaguete at Tuguegarao.