Binigyang pagkilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang ambag ng Philippine Gaming corporation o PAGCOR para sa maraming Pilipino.
Sa talumpati ng pangulo sa ika-40 anibersaryo ng PAGCOR kahapon sinabi ng pangulo na binago na ng PAGCOR ang pananaw ng publiko, dahil hindi na lamang ito nagsusulong ng gaming, entertainment at turismo, sa halip ay ang mas malaking papel nito sa public service at nation building.
Sinabi ng pangulo, maraming mga programa ang PAGCOR na nakatuon sa pagbibigay tulong sa mga pilipino.
Halimbawa dito ayon sa pangulo ang suporta ng PAGCOR sa mga coach at atletang Pilipino upang ihanda sila sa mga kumpetisyon hindi lamang dito sa bansa kundi higit lalo sa ibayong dagat.
Marami rin aniyang programang pang edukasyon ang suportado ng PAGCOR katulad ng feeding activities maging ang pagsuporta nito sa wellness centers sa mga komunidad na lumilikha ng pag-asa at kagalingan sa maraming Pilipino.
Dagdag pa ng pangulo na nagsisilbing daan ang PAGCOR sa mga serbisyo ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagtatatag ng Social Civic Centers.