Katulad ng ibang mga senador ay buo din ang paniniwala ni Senator Imee Marcos na wala halos pakinabang ang bansa sa 8-bilyong pisong nakokolekta mula sa Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.
Paliwanag ni Marcos, ang nabanggit na koleksyon mula sa POGO ay wala pang 2% ng ekonomiya natin.
Diin ni Marcos, bukos sa mababang pakinabang sa POGO ay wala din itong trabaho na binibigay sa mga Pilipino dahil puro Chinese ang kinukuhang empleyado.
Giit pa ni Marcos, napakaraming problema ang dulot ng POGO tulad ng paglala ng prostitution, kidnapping, patayan at iba pang illegal na aktibidad.
Dismayado pa si Marcos sa impormasyon na halos 700 fugitive o pugante sa China ang nakapasok sa ating bansa.
Binanggit pa ni Marcos na nakokorap din ng POGO ang lahat ng ahensya ng gobyerno, tulad ng Bureau of Customs, Bureau of Immigration, Anti Money Laundering Council at Pagcor.
katwiran ni Marcos, mismong Chinese Authorities ang galit na galit sa POGO kaya nakakapagtaka na patuloy pa rin ang operasyon nito sa ating bansa.