Ambag ng pribadong sector para makabangon ang ekonomiya ng bansa, kinilala ni Pangulong Marcos

Kumbinsido si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na malaki ang naitulong ng pribadong sector sa pagsasapinal ng Philippine Development Plan 2023 hanggang 2028.

Sa kaniyang talumpati sa ginanap na forum sa PICC kahapon, sinabi nitong nakatulong ang pribadong sektor sa lahat ng plano ng gobyerno para sa hinaharap.

Aminado ang pangulo na hindi nila magagawa ang mga planong ito nang sila lang kaya kailangan ng pakikiisa ng pribadong sector.


Mahalaga aniyang mapalakas pa ang partnership ng gobyerno sa pribadong sector hindi lamang dito sa Pilipinas sa halip maging sa ibang bansa.

Facebook Comments