Ambag ni Malaysian Prime Minister Anwar sa pagsusulong ng kapayaan sa Southeast Asia, kinilala ni PBBM

Bilateral talks between President Ferdinand Marcos Jr. and Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim (March 1, 2023)

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kaarawan ni Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim.

Ayon sa pangulo, matagal na aniya silang magkakilala bago pa man sila maging pinuno ng kani-kanilang bansa.

Malaki aniya ang naitulong ng Malaysian leader sa kaniyang pagharap sa mga hamon, sa pagiging isang pinuno sa rehiyon


Kinilala rin ng pangulo ang dedikasyon at paglilingkod ng prime minister sa Malaysia, na inspirasyon din niya sa paglilingkod.

Nagpapasalamat si Pangulong Marcos sa oportunidad na naka-trabaho at nakasama ang prime minister, kasabay ng pagpapatuloy ugnayan ng Pilipinas at Malaysia para sa pagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran sa Southeast Asian Region.

Facebook Comments