Manila, Philippines – Humanga si China Ambassador Zhao Jianhua sa ipinamalas na katapangan at diskarte ng mga Filipinong sundalo upang mapabawi at mapalaya ang Marawi City.
Sa ginanap na turnover na 47 heavy equipment sa tanggapan ng DPWH sinabi ni Jianhua na napahanga siya sa mga sundalong Pinoy sa pakikipaglaban sa teroristang grupong ISIS-Maute upang tuluyang mapalaya ang mga residente sa Marawi.
Paliwanag ng Chinese opisyal na handa ang kanilang gobyerno na tumulong financially upang muling maibangon ang ganda ng Marawi at bilang patunay ang kanilang pakikipagkaibigan ay nagdonate sila ng mahigit 800 milyon pesos halaga ng mga armas at mga heavy equipment at 95 milyong piso cash upang makatulong para makabangon muli ang Marawi.
Giit ni Jianhua na lalo pang palalakasin ang kanilang ugnayan sa Pilipinas upang labanan ang mga teroristang planong maghasig ng kaguluhan sa Asya.