Ambassador ng China, dapat lektyuran tungkol sa dalawang bagong ipinasang batas na nagtatakda ng sakop na teritoryo ng bansa

Iminungkahi ni Senate Majority Leader Francis Tolentino sa Department of Foreign Affairs (DFA) na ipatawag ang ambassador ng China sa Pilipinas at lektyuran ito sa dalawang mahahalagang batas na kamakailan lang ay nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ang mga batas na ito ay ang Philippine Maritime Zones Act o Republic Act 12064 at Archipelagic Sea Lanes Act o Republic Act 12065 na nagtatakda ng malinaw na sakop na teritoryo ng bansa.

Sa ginanap na budget deliberation para sa DFA ay inirekomenda ng senador na ituro sa ambassador ng China ang dalawang bagong batas matapos na ipatawag naman ng gobyerno ng China ang ambassador ng Pilipinas na nasa Beijing ilang oras matapos malagdaan ang dalawang bagong batas.


Giit ni Tolentino, hindi dapat matakot ang bansa sa ginawa ng China at mas dapat pa ngang maging matapang tayo na panindigan ang karapatan sa ating maritime domain.

Hindi rin aniya dapat magpa-pressure at magpa-bully at hindi rin dapat tayo magpaapekto sa naging reaksyon ng China na aniya’y pagpapakita lang na tama ang ating posisyon batay na rin sa bisa at lakas ng international law.

Facebook Comments