Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pinatawag nito kaninang umaga si Chinese Ambassador Huang Xilian kaugnay ng iligal na pagpasok ng People’s Liberation Army – Navy (PLAN) ng China sa Sulu Sea.
Ayon sa DFA, mula January 29 hanggang February 1, 2022, pumasok ang nasabing barko sa Palawan Cuyo Group of Islands at Apo Island sa Mindoro nang walang permiso.
Inihayag din ng DFA na ipinagpatuloy pa rin ng nasabing Chinese Navy vessel o PLAN 792 ang mga aktibidad nito sa Philippine waters kahit ilang beses na itong itinaboy ng BRP Antonio Luna.
Maliwanag din aniyang hindi innocent passage ang nangyari kundi paglabag sa soberenya ng Pilipinas.
Sa ilalim kasi ng Article 52 ng 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), kinikilala naman ng Pilipinas ang innocent passage o hindi sinasadyang pagbagtas.