Wednesday, January 28, 2026

Ambassador ng China sa Pilipinas, inirekomendang palitan na ayon sa isang senador

Hiniling ni Senator JV Ejercito na palitan ang ambassador ng China dito sa Pilipinas.

Kasunod ito ng mga pagbatikos ng ilang Chinese embassy officials sa mga senador at sa ilang matataas na opisyal ng bansa na nagtatanggol lamang sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Ejercito, sa ganitong mga sitwayson ay dapat kumikilos ang Chinese ambassador at idinadaan sa diplomasya ang iringan upang mapanatili ang maayos na relasyon ng dalawang bansa dito sa loob ng Pilipinas.

Sa kasalukuyan, ang Chinese ambassador sa Pilipinas ay si Jing Quan na naunang nangako noon na magiging tulay sa matatag na relasyon ng Pilipinas at China.

Facebook Comments