Ambassador ng European Union, aminadong nabahala sa naging aksyon ng China sa isinagawang RoRe mission ng Pilipinas

Nababahala ang European Union (EU) sa pinakabagong aksyon ng China sa RoRe mission ng Pilipinas malapit sa Second Thomas Shoal.

Sinabi ni EU Ambassador Luc Veron na dahil sa mapanganib na maniobra ng barko ng China ay nagtamo ng pinsala ang mga barko ng Pilipinas at naantala ang maritime operations sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Inihayag ng EU na hindi katanggap-tanggap ang karahasan ng China Coast Guard at Chinese militia vessels sa South China Sea at sa iba pang lugar.


Nanindigan ang EU sa pagsuporta nito sa international law at sa mapayapang pagresolba sa mga usapin sa West Philippine Sea.

Facebook Comments