Ambassador ng Finland, nag-courtesy call kay DND Sec. Faustino; pagpapaigting sa bilateral relations ng 2 bansa, pinag-usapan

49

Mainit na sinalubong ni Senior Undersecretary Jose Faustino Jr., Officer-in-Charge ng Department of National Defense (DND) si H.E. Juha Pyykko, Ambassador of Finland to the Philippines sa Kampo Aguinaldo nitong Miyerkules.

Ayon kay Senior Undersecretary Faustino, kahit na walang formal defense relations ang Pilipinas at Finland, hindi naman ito nangangahulugang wala na ring kooperasyon ang dalawang bansa lalo na sa defense at security.

Sinabi pa ni Faustino na prayoridad ng DND sa ilalim ng Marcos administration ang pagtataguyod ng ating national interest alinsunod sa foreign policy na ipinatutupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Sa panig naman ni Ambassador Pyykkö, iginiit nitong itinutulak ng Finland ang partnership sa Pilipinas upang isulong ang green technology, energy, digital governance, at education.

Samantala, kapwa naman naghayag ang dalawang lider ng mas malalim pa na relasyon ng Pilipinas at Finland sa mga susunod pang panahon.

Facebook Comments