Nagsagawa ng farewell call kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Malacañang kahapon si his excellency Gerard Ho Wei Hong, Ambassador of the Republic of Singapore to the Philippines.
Nagpasalamat naman ang pangulong Marcos kay Ambassador Ho dahil sa mga nagawa nitong kabutihan sa Pilipinas.
Tinukoy ng pangulo ang naramdamang pagdami ng pamumuhunan ng Singapore sa bansa sa ilalim ng pagiging ambassador nito.
Ginawaran din ng pangulo ng Order of Sikatuna na may ranggong datu o silver distinction o grand cross si Ho bilang pagkilala sa mahalagang kontribusyon nito sa pagpapalakas ng ugnayan, partnership at kabuuang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Singapore.
Ilan sa mga importanteng naiambag sa bansa ni Ambassador Ho ay ang suporta sa pagsusulong sa maraming government to government cooperation agreements sa larangan ng ekonomiya, security at people to people.
Nakatulong din ito para makakuha ang Pilipinas ng humanitarian assistance sa mga panahong nakaranas ang bansa ng matitinding kalamidad at noong kasagsagan ng pandemya ng COVID-19.