Ambuklao at Binga Dam, nagpakawala ng tubig

Inihayag ng Hydrometeorology Division ng PAGASA na nagpakawala ng tubig ang Ambuklao at Binga Dam ngayong araw dahil sa posibleng pag-apaw nito bunsod ng malalakas na pag-ulang dala ng low pressure area (LPA).

Dahil dito, apektado ng tubig-baha ang barangay Ambuclao sa Bokod at barangay Dalupirip at Tinongdan sa Itogon, Benguet.

Payo naman ng ahensya na mga residente at mga lokal na pamahalaan ng mga apketadong lugar na manatiling alerto at handa upang maging ligtas laban sa sakuna na dulot ng pagbaha.


Facebook Comments