Ambuklao at Binga Dam sa Benguet, magpapalabas ng tubig ngayong araw

Magpapalabas ng tubig ngayong alas-6 ng umaga ang National Power Corporation (Napocor) mula sa Ambuklao at Binga Dam sa Benguet dahil sa epekto ng Bagyong Maring.

Ayon sa PAGASA Hydro-Meteorology Division, nakatanggap sila ng abiso kahapon mula sa Napocor kung saan nakasaad na tumataas na ang lebel ng tubig sa dalawang dam.

Batay sa monitoring ng PAGASA as of 6am kahapon, umabot na sa 751.51 meters ang lebel ng tubig sa Ambuklao Dam na malapit na sa 752.0 meter normal na high water level.


Habang nasa 571.81 meters na ang Binga Dam na malapit na rin sa 575.0-meter normal na high water level.

Kahapon unang itinakda ang pagpapalabas ng tubig ng dalawang dam ngunit sinuspinde ng National Irrigation Administration.

Facebook Comments