
Nagbukas ng gate ang tatlong dam sa Luzon kaninang umaga bunsod ng malakas na pag-ulan na ibinagsak ng bagyong Lannie sa Cagayan Valley.
Binuksan ang Ambuklao Dam sa Benguet ng 1.5 meters ang tatlong gates nito at kasalukuyan nagpapakawala ng nasa 165 cubic meters per second na tubig.
Nasa 2.0 meters naman ang binuksan sa apat na gate ng Binga Dam sa Benguet at nagpapakawala ng 257.78 cms ng tubig.
Bandang 8 a.m. nang buksan ng 1.5 meters ang tatlong gate ng Ambuklao Dam matapos umabot na ang reservoir water level (RWL) ng Ambuklao Dam sa 751.51 meters, malapit sa 752-meter na spilling level nito.
Habang ang Magat Dam sa Isabela at Ifugao ay nagbukas ng 5.0 meters sa tatlong gate nito at nagpapakawala ng 1,273.44 cms na tubig.
Facebook Comments









