Ambulant Vendors sa Isabela, Nabigyan ng Nego-Kart

*Cauayan City, Isabela- *Umaabot sa isang daan (100) na mga ambulant vendor sa Lalawigan ng Isabela ang nabigyan ng Nego -Kart (Negosyo sa Kariton) mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) Region 2.

Pinangunahan mismo ni DOLE Sec*. *Silvestre “Bebot” Bello III ang pamamahagi ng tulong pangkabuhayan sa mga benepisyaryo na isinagawa kahapon sa Isabela Sports Complex.

Kasama rin sa nasabing aktibidad sina Transportation Secretary Arthur Tugade, Isabela Gov. Rodito T. Albano III, Isabela Vice Governor Faustino Dy III, LPGMA Partylist representative Allan Ty, DOLE Regional Director Atty. Evelyn Ramos, at mga alkalde ng Isabela.


Ang 100 na mga ambulant vendor beneficiaries na galing sa iba’t-ibang bayan sa probinsya ay tumanggap ng vending cart at cash na nagkakahalaga ng Php20,000 para sa kanilang pagsisimula na makapagbenta ng mga street foods gaya ng siomai, isaw, fishballs, squidballs, kikiam, at “kakanin,” o mga pagkaing pang-merienda.

Hinikayat naman ni Sce. Bello ang mga benepisyaryo na pamahalaan ng maayos ang kanilang natanggap na tulong pangkabuhayan upang mapanatili ng maayos, magtagumpay at para makaangat sa buhay.

Ang Nego-Kart ay isang tulong- pangkabuhayan sa ilalim ng Integrated Livelihood and Emergency Employment Program ng DOLE na naglalayong magbigay ng disente at maayos na kabuhayan para sa mga marginalized na manggagawa.

Facebook Comments