Ambush at hindi pagkamatay sa engkwentro ng pinakamataas na ranking officer ng NPA, iginiit ng Communist Party of the Philippines

Kinontra ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang ulat na napatay sa engkwentro ang pinakamataas na ranking officer ng New People’s Army (NPA) na si George “Ka Oris” Madlos.

Naganap ang insidente kahapon sa Bukidnon kung saan kasama ring napatay ang rebeldeng kasama nito.

Ayon kay Marco Valbuena, tagapagsalita ng CPP, taliwas sa ulat ng 4th Infantry Division (4ID) ng Philippine Army, hindi napatay sa engkwentro si Ka Oris dahil inambush ito sa Impasug-ong town proper sa national highway noong alas-8 ng gabi ng biyernes.


Habang wala rin aniyang katotohanan ang impormasyong nakasakay ang dalawa sa motor para maghanap ng medical treatment nang ma-ambush dahil pawang walang dalang armas ang mga ito at hindi rin nanlaban.

Sa ngayon, wala pang pahayag ang 4th Infantry Division hinggil dito.

Facebook Comments