AMBUSH | Factory executive, patay sa pananambang

Patay ang isang factory executive makaraang tambangan pasado alas sais ngayong Lunes ng umaga.

Sa inisyal na ulat mula kay Police Senior Inspector Victor Corpuz hepe ng Samal PNP kinilala ang biktimang si Ronald Parico legal age, manager ng Bataan 20/20 Paper Mill sa Samal Bataan.

Ayon sa isang source na ayaw ipabanggit ang pangalan kamakailan lang ay marami umanong natanggal sa trabahong mga workers sa naturang pabrika at isa ito sa mga anggulong tinitingnan ng PNP.


Papasok sana ng kanyang pinagta-trabahuhang kumpanya lulan ng isang SUV nang tambangan ng mga hindi nakilalang mga gunmen.

Patay on the spot ang biktima habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments